Presyo ng produktong petrolyo, bahagyang bababa ngayong linggo

by Radyo La Verdad | August 6, 2018 (Monday) | 3497

Matapos ang big time oil price hike noong nakaraang linggo, bahagya namang bababa ngayong linggo ang halaga ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa oil industry players, 10 hanggang 20 sentimo kada litro ang mababawas sa presyo ng gasolina at diesel bukas. 20 hanggang 30 sentimo naman sa kada litro ng kerosene.

Samantala, nauna nang nag-rollback ngayong araw ang kumpanyang Petro Gazz. 20 sentimos ang nabawas sa presyo ng gasolina at kerosene simula kaninang alas-sais ng umaga.

Ang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ay dahil sa paggalaw ng halaga nito sa pandaigdigang merkado.

 

Tags: , ,