Presyo ng petrolyo, inaasahang bababa ngayong Linggo

by Radyo La Verdad | November 21, 2022 (Monday) | 653

METRO MANILA – May bawas presyo ang mga produktong petrolyo ngayong Linggo.

P2.10 – P2.30 centavos ang tinatayang matatapyas sa presyo sa kada litro ng Diesel.

P0.75 naman hanggang P1 sa kada litro ng gasolina.

Habang P2 hanggang P2.20 sa Kerosene.

Ang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo ay dahil sa pagbaba ng demand sa langis sa world market dahil sa mga lockdown sa China, bunsod ng ipinatutupad na zero-COVID policy.

Tags: