Presyo ng mga produktong petrolyo, muling tumaas

by Radyo La Verdad | February 21, 2017 (Tuesday) | 2057


Muling nagpatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Epektibo kaninang hatinggabi ay may dagdag na twenty-five centavos sa kada litro ng gasolina at fifteen centavos naman sa kerosene ang Flying V.

Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Kaparehong price increase naman ang ipinatupad kaninang alas sais ng umaga ng mga kumpanyang Petron at Shell.

Samantala ang Unioil, Eastern Petroleum, PTT Philippines, Phoenix at Seaoil ay magkakaroon lamang ng twenty-five centavos na taas-presyo sa gasolina.

Tags: , ,