Presyo ng mga produktong petrolyo, may rollback simula ngayong araw

by Radyo La Verdad | August 7, 2018 (Tuesday) | 4128

Nagpatupad ng bawas-presyo sa petrolyo ngayong araw ang ilang kumpanya ng langis matapos ang price hike noong nakaraang linggo.

10 sentimos kada litro ang mababawas sa presyo ng gasoline at diesel ng Caltex, Shell, Petron, Flying V at Seaoil.

25 sentimos kada litro naman sa kerosene.

Kaparehong presyo din ang mababawas sa halaga kada litro ng gasolina at diesel ng PTT Philipines, Total, Phoenix Petroleum, Jetti at Unioil. Ngunit wala namang paggalaw sa halaga ng kerosene.

Kahapon ay nauna ng nagpatupad ng rollback ang kumpanyang Petro Gazz.

Tags: , ,