Presyo ng mga produktong petrolyo, may rollback ngayong linggo

by Radyo La Verdad | June 11, 2018 (Monday) | 2357

Matapos ang ilang linggong sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, magkakaroon naman ng rollback ngayong linggo.

Ayon sa oil industry players, .60-.70 ang mababawas sa halaga kada litro ng gasoline.

Forty-five hanggang fifty-five centavos sa diesel at fifty hanggang sixty centavos naman sa kerosene.

Ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ay dahil sa paggalaw ng halaga nito sa pandaigdigang merkado.

Tags: , ,