Presyo ng mga produktong petrolyo, inaasahang tataas naman ngayong linggo

by Radyo La Verdad | July 3, 2017 (Monday) | 2614


Inaasahang tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pagtaya ng mga oil industry player, 60 to 70-centavos ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng diesel.

30 hanggang 40 centavos naman sa gasolina at 50 to 60 centavos naman ang inaasahang price increase sa bawat litro ng kerosene.

Ito ang magiging unang pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo matapos ang apat na sunod na rollback na ipinatupad ng ilang kumpanya ng langis noong nakalipas na buwan.

Tags: , ,