Nagpatupad ng bigtime price increase ang ilang kumpanya ng langis sa kanilang Liquefied Petroleum Gas o LPG ngayong araw.
Tatlong piso at walumpung sentimos ang nadagdag sa kada kilo ng petron gasul o katumbas ng forty one pesos sa kada regular na tangke ng LPG.
Mayroon ding two pesos and fifteen centavos na price hike sa kada litro ng Auto-LPG ang Petron.
Samantala, tatlong piso at kwarenta y uno sentimos naman ang itinaas sa presyo ng kada litro ng Solane LPG.
Tags: Presyo ng LPG, tumaas ngayong araw