Presyo ng LPG, tataas ng hanggang P6.65 kada kilo simula ngayong araw

by Radyo La Verdad | September 1, 2023 (Friday) | 3248

METRO MANILA – Tataas ngayong araw (September 1) ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG).

Batay sa abiso ng ilang oil companies, aabot ng hanggang P6.65 ang madaragdag sa kada kilo ng cooking gas.

Habang ang auto LPG naman ay tataas ng P3.70 sa kada litro.

Ang price hike ay bunsod ng pagtaas ng international contract price ng LPG para sa buwan ng Setyembre.

Tags: ,