Presyo ng langis sa Amerika, tumaas sa $70 per barrel sa kauna-unahang pagkakataon simula noong 2014

by Radyo La Verdad | May 8, 2018 (Tuesday) | 6328

Maraming mga consumer ang nangangamba ngayon sa posibleng pagtaas ng inflation rate sa Estados Unidos. Ito ay matapos na maitala ang record-high na halaga ng langis sa Pilipinas.

Kanina ay tumaas ng 1.1 percent o nasa seventy centavos ang halaga ng  crude oil kaya nasa 70 USD per barrel na ang halaga nito.

Ang brent crude oil naman ay umakyat ng $75.64 per barrel; ito ang pinakamataas na naitalang halaga nito mula noong 2014.

Isinisisi ang record-high oil prices ngayong 2018 sa lumalalang crisis sa Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) member country na Venezuela na nakararanas ngayon ng hyper inflation at pinangangambahang hindi nito matugunan ang production and export requirements nito.

Isa pang dahilan ay ang may 12 deadline na binigay ni U.S. President Donald Trump sa mga Europeans upang ayusin ang Iran nuclear deal.

Ayon kay Pres. Trump, ang nuclear deal ay hindi sapat upang pigilan ang nuclear ambitions ng Iran at kung hindi ito babaguhin ay hindi papayag ang pangulo na ma-extend ang sanctions relief na kasama sa nuclear deal ng oil producing country na Iran.

Tags: , ,