Pinagpapaliwanag ng Senado ang Department of Energy (DOE) hinggil sa mataas na presyo ng kuryente sa bansa.
Gustong makita ng Senate Committee on Energy ang computation kung paano humantong sa mataas na presyo ang nito. Kinuwestyon rin ng mga mambabatas kung bakit mas mahal na nabibili ang coal kumpara sa natural gas gaya ng Malampaya bilang source of energy.
Tinitignan rin ang posibilidad na makapag-angkat ng natural gas sa labas ng bansa dahil mas mura at malinis ito kumpara sa coal at diesel.
Nais rin ng komite na makagawa ng isang batas upang ma regulate ang paggamit sa Malampaya natural gas.