Presyo ng ilang produktong petrolyo, nakaambang tumaas ng higit P1.00

by dennis | April 18, 2015 (Saturday) | 1780
File photo
File photo

Inaasahan na tataas ang presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Posibleng umabot sa P1.50 hanggang P1.70 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasoline habang P1.00 hanggang P1.10 naman ang itataas sa presyo ng diesel.

Habang nasa P1.00 hanggang P1.70 naman ang tinatayang dagdag sa kerosene.

Nitong nakaraang linggo, tumaas ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan dahil sa pagbaba ng produksyon ng langis sa Amerika.(UNTV Radio)

Tags: , , , , ,