Presyo ng commercial rice, inaasahang bababa sa Nobyembre – DA

by Radyo La Verdad | September 18, 2018 (Tuesday) | 2679

Nananatili pa rin sa 27 at 32 piso ang bentahan sa kada kilo ng NFA rice sa Nepa Q Mart at Commonwealth Market sa Quezon City, habang 44 hanggang 60 piso naman ang kada kilo ng commercial rice.

Ayon sa ilang tindera ng bigas, umaabot sa halos isang daang sako ng NFA rice ang kanilang naibebenta sa loob ng isang araw.

Habang nasa tatlo hanggang limang sako lamang ng commercial rice sa kada araw ang nabibili ng kanilang mga customer.

Ngunit ayon sa Department of Agriculture, asahan na ang pagbaba ng presyo ng comercial rice sa lahat palengke sa bansa.

Ito ay dahil inaasahang tataas na ang suplay ng palay dahil masisimula na ang anihan.

Mula 25 piso kada kilo ng palay, bababa na sa 18-22 piso ang bentahan nito na inaasahang mag stabilized sa Nobyembre at magtutuloy-tuloy hanggang sa susunod na taon ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol.

Iginiit rin ni Piñol na walang kakulangan sa suplay ng bigas sa bansa. Minamanipula lang umano ng mga rice hoarders ang rice supply upang tumaas ang presyo nito.

Sa katunayan, nakumpiska ng PNP at mga tauhan ng customs ang nasa 300 milyong pisong halaga ng smuggled rice sa isang warehouse sa Bulakan noong ika-12 ng Setyembre.

Samantala, bilang tugon sa nararanasang krisis sa bigas sa Zambasulta area, inaasahan ng kalihim na maisasabatas na sa lalong madaling panahon ang rice tariffication bill.

Dito ligal nang makakapag-import ng bigas ang mga private traders

 

( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,