MANILA, Philippines – Patuloy ang pag momonitor ng Department of Agriculture (DA) sa presyo ng mga farm produce at livestock kabilang na ang karne ng baboy sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Sa paglilibot sa ilang pamilihan sa Metro Manila, nasa normal pa rin ang presyo ng karne ng baboy.
Sa Guadalupe, mula sa 200 to 220, umakyat ng bahagya ang presyo ng karne ng baboy sa 220 hanggang 240 pesos kada kilo.
Sa Las Piñas market naman, nasa 200 pesos per kilo ang presyo ng pork ham o kasim habang nasa 245 naman ang kada kilo ng liempo.
Nasa 220 per kilo naman ang pork ham sa Mega Q Mart habang 250 pesos naman ang bawat kilo ng liempo.
Sa kaniyang pahayag noong nakaraang Linggo, tiniyak ni Agriculture Spokesperson Noel Reyes na safe o ligtas kainin ang karne ng baboy na nasa mga pamilihan dahil galing ito sa mga lugar na hindi apektado ng anomang impeksyon o sakit sa baboy.
(Vincent Arboleda | UNTV News)