Presidential Spokesperson Roque, naghain ng leave of absence simula ngayong araw ng Lunes

by Radyo La Verdad | October 8, 2018 (Monday) | 2509

Naghain ng leave of absence si Presidential Spokesperson Harry Roque simula ngayong araw ng Lunes.

Kinansela nito ang nakatakdang Monday press briefing sa Malacañang at maging sa buong linggo.

Kagabi, sa isang text message sa UNTV, sinabi ng opisyal na hindi pa ito nakakapagdesisyon kung itutuloy ang balak na pagtakbo bilang senador o tatanggapin ang rekomendasyon ni Pangulong Duterte na maupo sa panibagong pwestong inaalok sa kaniya ng punong ehekutibo.

Matatandaang sinabi ni Roque na mag-aassess ito buong weekend sa gagawing desisyon.

Sa isa namang panayam, sinabi nitong may lakad siya abroad subalit hindi kasama sa delegasyon ni Pangulong Duterte patungong Indonesia para sa ASEAN leaders’ gathering.

Hindi pa rin daw sila muling nakakapag-usap ni Pangulong Duterte.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,