Presidente ng Development Academy of the Philippines, gustong ipatanggal sa pwesto ng mga empleyado

by Radyo La Verdad | December 12, 2017 (Tuesday) | 5737

Nanawagan ang mga empleyado ng Development Academy of the Philippines kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na ang kanilang Presidente na si Atty. Elba Cruz.

Dahil ito umano sa mga kwestyonableng hakbang nito sa ahensya at sa umano’y kawalan ng sapat na kaalaman na pangasiwaan ang DAP.

Sinabi pa ng grupo na ilang ulit na rin silang nagtangka na kausapin si Atty. Cruz ngunit hindi ito humaharap at hindi umano dinidinig ang kanilang mga hinaing.

Kaagad namang sinagot ni DAP HR Managing Director Emmanuel Silan ang mga ipanararatang ng grupo kay Atty. Cruz. Sinabi pa ni Silan na pag-usapan na lamang sa tamang forum ang kanilang mga reklamo.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi ipagwawalang bahala ng Pangulo ang isyu.

Ang Dap ay isang government owned and controlled corporation na may mandato na luminang o bumuo ng konsepto at prinsipyo na tutugon sa problema sa pag-unlad ng bayan o ng ating bansa.

 

( Ramil Ramal / UNTV Correspondent )

Tags: , ,