Presensiya ng pulis, di makapipigil sa NPA recruitment sa mga unibersidad at kolehiyo – Malacañang

by Erika Endraca | August 14, 2019 (Wednesday) | 15622

MANILA, Philippines – Hindi sang-ayon ang Malacañang sa paniniwala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na makakapigil sa recruitment ng New People’s Army (NPA) sa mga kolehiyo at unibersidad ang presensya ng mga tauhan ng pulisya sa loob ng mga paaralan.

Maging ang dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronald Bato Dela Rosa, nais na magkaroon ng mas regular police patrol sa isang state university, partikular na sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi naman aniya hayagan at mismong sa loob ng mga campus ginagawa ang naturang recruitment.

“Ang presence ng police can prevent any crime being committed inside the campus pero recruitment? I don’t think it will solve”ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

Aminado naman ang kalihim na nakakabahala ang NPA recruitment sa mga estudyante at pinayuhan ang mga magulang na gabayang mabuti at pangaralan ang kanilang mga anak.

Nilinaw naman ng palasyo na walang mali sa pagsapi sa mga progresibong grupo at pagpapahayag ng kanilang mga hinaing laban sa gobyerno. Gayunman, ibang usapan na kung ang sinasalihang mga organisasyon ng mga kabataan ay may kinalaman sa pagpapabagsak sa pamahalaan.

“Depende nga, kung papasok sa mga organisasyon found to be allied na ang intensyon ay pabagsakin ang gobyerno, eh wrong yun, pero you join organizations to express legitimate grievances against gobyerno, certainly it’s not.” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

Sa usapin naman ng panukalang pagbuhay sa Anti-Subversion Law, ayon sa palasyo, kinakailangan pa itong

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , , ,