Pres. Duterte, iginiit na may ginagawa ang kaniyang administrasyon laban sa COVID-19

by Radyo La Verdad | April 16, 2021 (Friday) | 6799

METRO MANILA – Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang lahat ng paraan upang resolbahin ang ilang problemang lumulutang ngayon sa gitna ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Pangulo, kung tutuusin ay wala namang dapat problemahin.

Inihalimbawa ng pangulo ang isyu sa paghahanap ng karagdagang covid beds ng mga ospital.

“Itong quandary natin na ito nagaaway away tayo dito there is really no problem, huwag na ninyo masyadong sabihin na lack of materials, resources, for example the beds, nandiyan yan, we can go as many as kung and kailangan, I can even use the police power of the state, you know what, I can order the authorities to take over the operations of hotel kung wala na talagang mga kama” ani Pres. Rodrigo Duterte.

Nagtatrabaho rin aniya ang gobyerno at ginagawa ang lahat upang makakuha ng bakuna kontra COVID-19.

“Do not be afraid government is working, government is busy doing everything  not nothing , government is trying to get the things to fix all of us ,kung mga baggy na run, nandiyan pero wala sa ting camay”

Nabanggit sa pulong kagabi ng pangulo ang tungkol sa pagkakaroon ng sariling vaccine manufacturer ng bansa.

Humiling si Department of Trade and Industry Ramon Lopez sa pangulo para magkaroon ng green lane o mabilis na proseso sa pagkuha ng governmet permits sa pagtatayo nito.

Aprubado naman ito ng punong ehekutibo.

“I asked everybody to cooperate , itong procurement of locally produce subject to standards docs and prices, madali lang ito kung trabahuhin mo ito”ani Pres. Rodrigo Duterte.

Ayon kay Secretary Lopez, may mga kausap na silang kumpanya para sa produksyon ng sariling bakuna ng bansa. Ngunit hindi muna niya ito idinetalye.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,