Ngayong alas-2:00 ng hapon magsisimula ang preliminary investigation ng Department of Justice kaugnay ng consolidated complaints at affidavit na inihain ng pamilya Veloso at ang complaint mismo ni Mary Jane laban kina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao
Pangungunahan ni Assistant State Prosecutor Susan Azarcon ang naturang imbestigasyon kung saan inaasahang dadalo ang mga akusadong sina Sergio at Lacanilao at ang pamilya Veloso na siyang pangunahing mga complainants.
Samantala, ayon naman kay Prosecutor General Claro Arellano, gumugulong na ang proseso ng pagsasampa ng kasong large scale illegal recruitment laban sa dalawang recruiter kung saan walang piyansa ang inirekomenda ng DOJ base narin sa mga salaysay ng 10 bagong complainants na lumitaw na siyang nagturo kina Sergio na nagrecruit sa kanila.(Jerolf Acaba/UNTV Radio)