Prangkisa ng PUJs na pumasok na sa consolidation, babawiin kung sasama sa tigil-pasada – LTFRB

by Radyo La Verdad | April 15, 2024 (Monday) | 6796

METRO MANILA Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory

Board (LTFRB) ang ilang mga lalahok sa tigil pasada na isasagawa ng mga transport group na Manibela at Piston ngayong araw ng Lunes April 15 at sa April 16.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III, maaaring bawian ng prangkisa ang ilang mga tradisyunal na jeep na pumasok na sa consolidation ngunit sumasama pa rin sa transport strike.Iginiit nito na ang ibinibigay na prangkisa ng estado ay hindi isang karapatan, kundi isang pribilehiyo at ang estado rin aniya ang nagsasaad ng paraan kung paano ito nararapat gamitin.



 



Tags: ,