Prangkisa ng naaksidenteng bus sa Occidental Mindoro, sususpendihin ng LTFRB

by Radyo La Verdad | December 11, 2017 (Monday) | 1913

Sususpendihin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang prangkisa ng tourist bus na sangkot  sa aksidente sa Occidental Mindoro noong Sabado.

Dalawang katao na iniulat na nasawi at 26  ang nasugatan sa aksidente. Sinabi ni Aileen Lizada ng LTFRB, maglalabas na sila ng preventive suspension order sa Charm Travel and Tours Bus Company matapos  na napag-alamang out-of-line ang  mga bus nito. Sinabi ni Lizada na para sa Region III ang prangkisa ng kumpanya pero nag-ooperate sa Region IV.

Naganap ang aksidente lulan ang mga school officials at estudiyante ng University of Rizal System ng  Morong, Rizal  habang patungo sa Occidental State College sa San Jose, Mindoro.

Lalahok sana ang mga ito sa Southern Tagalog Regional Association of State  Universities and Colleges Olympics ng mahulog sa malalim na kanal ang bus.

Tags: , ,