PPCRV, pinayagan ng Comelec na i-access ang audit logs ng transparency server

by Erika Endraca | May 17, 2019 (Friday) | 4462

Manila, Philippines – Tuluyan nang pinagbigyan ng Commission on Elections (COMELEC) ang hiling ng election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na ma-access ang audit logs ng transparency server ng ahensya.

Ito’y para malaman ang dahilan ng mahabang oras na pagkaantala sa pagpapalabas ng partial at unofficial count ng 2019 midterm elections noong Lunes May 13.

Ayon kay PPCRV Chairperson Myla Villanueva na magbibigay sila ng impormasyon kaugnay sa nilalaman ng audit logs sa susunod na Linggo.

“Yeah we’re working on it over the weekend yung mga tech expert po ng ppcrv, so we hope that by sunday or monday we can give you more information” ani PPCRV Chairperson Myla Villanueva.

Ikinatuwa rin ng ppcrv officials ang pag-abruba ng comelec sa isa sa kanilang mga hiling.

“Eh siyempre tuwang tuwa kami although alam na din naman naming na papaya yung comelec pinormalized lang yun” ani PPCRV Board Member, Dr. Arwin Serrano .

Humiling din ang poll watchdog sa ahensya ng data mula sa central server nito para tingnan kung tugma ito sa data na nanggagaling sa transparency server.

Naiitindihan naman ni Villanueva na kailangan nilang hintayin ang pagtanggap kabuuang resibo ng central server ng comelec.

Samantala, Inaasahang tatagal ang manual encoding ng election returns at partial at unofficially tally ng ppcrv sa katapusan ng Mayo.

(April Cenedoza | Untv News)

Tags: , ,