PPCRV, nanindigan walang dayaan sa nakaraang halalan

by Radyo La Verdad | May 16, 2016 (Monday) | 2192

PPCRV
Pinabulaan ng Poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang mga nagsilabasang ulat na may nangyaring daayaan sa isinigawang halalan.

Ayon sa PPCRV, batay sa kanilang ginawang audit tests wala silang nakitang iregularidad lalo na sa transmission ng election results.

Ang 2016 elections anya ang may pinakamabilis na transmission of results simula ng magpatupad ang bansa ng automated elections
noong 2010.

Umaasa naman pamunuan ng PPCRV na ang hash code issue sa ngayon ay hindi gagamitin para ibaba ang kredibilidad ng halalan.

(UNTV RADIO)

Tags: