PPCRV Command Center na gagamitin ngayong May 13 elections, ipinasilip na sa media

by Radyo La Verdad | May 8, 2019 (Wednesday) | 1438
Photo: Philippine News Agency

METRO MANILA, Philippines – Nakahanda na sa pagbabantay sa darating na mid-term elections ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV.

Tatlong daang libong volunteers mayroon ang PPCRV na itatalaga sa kanilang command center at sa mga polling precincts bilang pollwatcher.

Bawat araw tatlong daang volunteers ang kakailanganin ng PPCRV sa kanilang Commmand Center para sa pagsasagawa ng unofficial parallel count ng mga boto.

Hahatiin ang mga ito sa isang daang encoders sa umaga,isang daan sa hapon at isang daan sa gabi.

Sa araw ng botohan isa sa direktang pinadadalhan ng election results ng vote counting machines ay ang transparency server. Sa server na ito kumukuha ng datos ang PPCRV sa kanialng ginagawang parallel count.

Ayon sa Excutive director ng PPCRV na si Maria Isabel Buenaobra, mahigpit nilang babantayan ngayon ang dayaan sa pagboto sa midterm elections.

Paanyaya ni PPCRV Director Buenaobra sa publiko na dapat samantalahan ng mga botante ang halalan upang makapagluklok ng mga taong maglilingkod ng tapat sa bansa.

Samantala, ipinahayag nila ang suporta sa COMELEC at naniniwalang makakahanap din sila ng katuwang na citizen’s arm sa random manual audit.

 (Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,