Makakaranas ng siyam na oras na power interruption ang ilang lugar sa Tarlac at Nueva Ecija bukas.
Ayon Sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), magsisimula ang power interruption ng alas-8:00 ng umaga na tatagal hanggang ala-5:00 ng hapon.
Kabilang sa mga maapektuhang lugar ang San Manuel, Moncada, Paniqui, Anao, Gerona, Ramos, Pura, Sta. Ignacia, Victoria, San Clemente, Mayantoc, Camiling , San Jose, Tarlac, Nampicuan at Cuyapo.
Layun ng nasabing power interruption na bigyang daan ang pagsasaayos ng Concepcion Substation 69-kilovolt Bus at transformer breaker.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com