Power interruption, mararanasan sa ilang lugar sa Cavite – Meralco

by monaliza | March 18, 2015 (Wednesday) | 1194

Meralco

Magpapatupad ng limang oras na power interruption ang Meralco sa bahagi ng Gen. Trias at Trece Martirez City sa lalawigan ng Cavite ngayong araw.

Magsisimula ang nasabing power interruption ngayong 9:00 ng umaga na tatagal hanggang mamayang 2:00 ng hapon.

Kabilang sa mga maaapektuhang lugar ang bahagi ng Governor’s Drive sa The Gentri Heights Subdivision sa Bgy. Manggahan, Gen. Trias hanggang Green Forbes City Subdivision sa Bgy. Hugo Perez, Trece Martirez City.

Apektado rin ang Pasadeña Heights Subdivision sa Bgy. Manggahan, Gen. Trias.

Bunsod ang power interruption ng isasagawang pagpapapalit ng poste at pagsasaayos ng line construction sa Governor’s Drive sa Bgy. Manggahan, Gen. Trias at Bgy. Hugo Perez, Trece Martirez City, Cavite.

Tags: , ,