Posisyon ni Pres. Duterte sa Paris Agreement On Climate Change, dapat igalang – Sen. Pres. Drilon

by Radyo La Verdad | July 20, 2016 (Wednesday) | 2016

DRILON
Noong April 22,2016 sa panahon ng administrasyong Ninoy Aquino, lumagda ang Pilipinas sa makasaysayang Paris Agreement on Climate Change.

Dito nangako ang Pilipinas na babawasan nito ang carbon emission ng 70 percent hanggang sa taong 2030 sa tulong na rin ng international community.

Sa nasa isang daan pituput walong (178) nasyon na lumagda sa agreement, sa kasalukuyan ay 19 pa lamang na mga estado ang nakapagratipika at nagapruba ng batas ukol sa paglimita sa green house gas emission sa kanilang bansa.

Habang sa Pilipinas ay hindi pa ito naibibigay sa Senado upang maratipika.

Subalit para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang international agreement ay magiging balakid sa mga umuunlad pa lamang na bansa tulad ng Pilipinas.

Ayon naman kay Senate President Franklin Drilon ang Pangulo ang nagsisilbing arkitekto ng foreign policy ng bansa, at dapat na irespeto ang posisyon ng pangulo sa isyu.

Ayon kay Senador Drilon, papel o trabaho ng Senado na ratipikahan o pagtibayin ang isang kasunduan

Ngunit kung ayaw ng Punong Ehekutibo na ipadala ito sa senado ay dapat iginagalang ng Mataas na Kapulungan.

Sinabi ni Senador Drilon, pareho lang ang nasabing isyu sa Enhance Defense Cooperation Agreement o EDCA noon .

(Bryan de Paz/UNTV Radio)

Tags: ,