Nagnegatibo man sa Avian flu virus ang mga farm worker ng San Luis, nais pa rin ng DOH Region 3 na makasiguro na hindi kakalat ang virus at makaaapekto sa sinomang tao.
Kanina sa isinagawang advocacy forum ng mga health worker ng bawat lalawigan sa Central Luzon, binigyan-diin ang pagbibigay ng sapat na kaalaman ng mamamayan ukol sa sakit na Bird flu.
Ayon naman kay DOH Asec. Eric Tayag, ang posibilidad na mahawa sa sakit ay yung mga nagtatrabaho sa mga apektadong farm na humawak o nag-alaga ng mga may sakit na manok lalo na yung mga namatay na. Maging ang mga nagkatay ng manok na hindi alam na ito’y infected na pala.
Payo ng DOH sa mga lugar na malalapit sa mga poultry farms na apektado ng Bird flu virus, kapag mayroong ubo ay kaagad na magpa check sa doktor upang mabigyan ng tamang gamot upang hindi na lumala pa.
(Leslie Huidem / UNTV Correspondent)