Posibilidad ng lahar flow dahil sa bagyong Basyang, pinaghahandaan ng probinsya ng Albay

by Radyo La Verdad | February 13, 2018 (Tuesday) | 2188

Naka alerto ngayon ang buong probinsya ng Albay dahil sa bagyong Basyang.

Ayon sa Albay Public Safety and Emergency Office o APSEMO, walang dapat ipag-alala ang publiko dahil hindi direktang tatama ang bagyo sa Bicol. Makakatulong pa nga ang ulan upang mahugasan ang lahar deposit sa paanan ng Bulkan.

Pinaghahandaan na rin ng probinsya ang lahar flow pagpasok ng tag-ulan dahil umabot na sa 81 million cubic meters ang nailabas na lava ng Bulkang Mayon simula noong January 13.

Bilang paghahanda sa tag-ulan, puspusan na rin ang pagtapos at paggawa sa mga dike. Kapag malakas ang ulan, dito dumadaloy ang lahar mula sa Bulkang Mayon.

Isang evacuation plan ang inihahanda ng APSEMO para sa bayan ng Camalig at Guinabatan matapos itong matukoy na posibleng tamaan ng lahar flow.

Bukod dito, pitong barangay pa ang nakatakdang ilikas kung aabot sa 22 millimeter per hour ang buhos ng ulan sa rainy season.

Maaari ding madamay ang lungsod ng Legazpi at Sto. Domingo kung dadaloy ang lahar sa mga kalapit na ilog. Maaari ding maharangan ang mga kalsada kung aapaw ang lahar.

Ngayon, nananatili ang alert level 4 sa Bulkang Mayon. Umaabot pa rin sa mahigit 70 thousand ang mga evacuees sa buong probinsya ng Albay

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,