Pormal na tugon ng China sa napaulat na planong pagtatayo ng istruktura sa Panatag shoal, hinihintay ng DFA

by Radyo La Verdad | March 23, 2017 (Thursday) | 1634


Wala pang natutukoy na susunod na hakbang ang pamahalaan kaugnay sa napaulat na planong pagtatayo umano ng istruktura sa isa sa pinagtatalunang teritoryo ng China at Pilipinas–ang Scarborough o Panatag shoal.

Ito ang inihayag ni acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Ayon sa kalihim hinihintay pa nila ang tugon ng China sa kanilang request para sa klaripikasyon sa naturang isyu.

Samantala, sa isinagawang press briefing kahapon ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying, itinanggi nito ang balitang naghahanda na sila para sa pagtatayo ng environmental monitoring station sa Scarborough shoal.

Ayon sa kanya, kinikilala ng China ang kahalagahan ng South China Sea sa ocean ecology.

Higit sa lahat ay iginagalang at pinahahalagahan nila ang magandang relasyon na mayroon ang China at Pilipinas ngayon.

Tags: , , , ,