Police official sa Benguet, inalis sa pwesto dahil sa mataas na bilang ng casualty sa bagyong Lando

by Radyo La Verdad | October 21, 2015 (Wednesday) | 1262

SARMIENTO
Ipinatanggal sa pwesto ni Department of Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento ang Provincial Director ng Benguet.

Ito’y dahil sa maraming casualty sa bagyong Lando sa lalawigan.

Base sa opisyal na tala ng NDRRMC nasa 7 na ang namatay sa Cordillera Administrative Region at 2 dito ang mula Benguet.

Subalit base sa tala ng Local Government Unit, umaabot na sa 14 ang patay sa Benguet dahil sa landslide.

Ayon kay Mayor, ang pulis ang naatasan sa pagtulong sa LGU’s sa pagpapalikas sa mga residente sa mga delikadong lugar.

Kailangan ng tulong ng pulis lalo na sa mga makukulit na residente na ayaw lisanin ang kanilang mga bahay.

Si Benguet Provincial Director P/SSuperintendent David Lacdan ay pansamantalang itatalaga sa Police Regional Office ng Cordillera habang papalitan naman sya ni P/SSupt. David Peredo. ( Lea Ylagan / UNTV News )

Tags: ,