Muli na namang nanguna si Senator Grace Poe sa vice presidential preference survey ng Social Weather Stations (SWS) ngayong June 2015.
Sa 1,200 respondents na tinanong kung sino ang kanilang iboboto bilang bise presidente ng bansa kung gaganapin ngayon ang eleksyon, nanguna sa listahan si Poe na may rating na 21 percent.
Pangalawa si DILG Secretary Mar Roxas na may 12 percent, pangatlo naman sina Senador Chiz Escudero at Vice President Jejomar Binay na may 7 percent.
Pang-apat naman sina Manila mayor Joseph Estrada, Davao city mayor Rodrigo Duterte at dating senador Panfilo Lacson na may 3 percent.
Samantala, nanguna naman sa approval ratings ng Pulse Asia survey si Poe na may 93 percent, pangalawa si Escudero na may 83 percent at 81 percent si Senador Miriam Defensor Santiago.
Ikinatuwa naman ni Escudero ang resulta ng naturang survey, ngunit hindi ito anya ang kaniyang pangunahing basehan para sa kung ano ang kaniyang magiging desisyon sa 2016 elections.(Nel Maribojoc/UNTV Radio)
Tags: Grace Poe, Jejomar Binay, Mar Roxas, Vice President