PNP,muling pag-aaralan ang resulta ng imbestigasyon sa Mamasapano incident

by Radyo La Verdad | September 15, 2015 (Tuesday) | 1407

PNP CHIEF MARQUEZ
Muling pag-aaralan ng Philippine National Police ang resulta ng imbestigasyon ng Board of Inquiry kaugnay sa nangyaring Mamasapano incident.

Ito’y matapos lumabas ang balita na ang aid mismo ni marwan ang nakapaslang sa kanya at hindi ang Special Action Force.

Kaugnay nito, hiniling ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez na maiprisinta ang mga ebidensya na magpapatunay na hindi ang saf nakapaslang kay Marwan.

Ipinahayag din ni Marquez na nakipag-usap na siya kay Criminal Investigation and Detection Group Chief Director Benjamin Magalong kaugnay sa isasagawang imbestigasyon.

Tags: , ,