MANILA, Philippines – Tuloy ang operasyon at pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga nagsasagawa ng illegal numbers game.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, tuloy ang kanilang monitoring sa iba’t ibang lugar sa bansa para mapigilan ang pag usbong ng illegal numbers game.
Sinabi din ni Banac na mayroon ding nahuli ang PNP sa Laguna
at Metro Manila na nag ooperate ng Small Town Lottery (STL) kahit na ipinatigil
na ng pangulo ang operasyon nito.
Panawagan
ng PNP sa publiko, agad na isumbong sa pulisya sakaling may nagaganap pang bola
ng jueteng sa kani- kanilang lugar.
(Lea Ylagan | Untv News)
Tags: PNP, small town lottery