PNP, tiniyak na walang special treatment kay Sen. Trillanes sakaling sa PNP Custodial Center siya makukulong

by Radyo La Verdad | September 28, 2018 (Friday) | 3708

Tiniyak ng Pambansang Pulisya na walang ibibigay na special treatment kay Senator Atonio Trillanes IV sakaling maglabas ng warrant of arrest ang Makati Branch 148 laban sa kaniya at sa PNP Custodial Center siya ikukulong.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, magiging mahigpit rin ang PNP sa pagpapapasok ng dalaw base sa ibibigay na listahan ng senador.

Ayon kay Albayalde, hindi rin magkakaroon ng pagkakataon na magkita o magkausap si Trillanes at ilang prominenteng personalidad na nakakulong sa custodial center gaya nina Sen. Leila De Lima at Sen. Bong Revilla.

 

 

 

Tags: , ,