PNP OIC P/DDG Leonardo Espina, nag-iikot na sa mga Regional office upang magbilin sa mga pulis

by Radyo La Verdad | June 17, 2015 (Wednesday) | 1819

GEN ESPINA
Nagsisimula nang umikot ni PNP OIC P/DDG Leonardo Espina sa ibat- ibang pnp Regional Office bilang bahagi ng kanyang farewell visit.

Ito’y dahil sa nalalapit nyang pagre-retiro sa susunod na buwan.

Noong isang linggo ay nagtungo si Espina sa Camp Martin Delgado sa Iloilo at sa Rizal Provincial Police Office naman noong Lunes

Kahapon ay bumisita si Espina sa Cotabato habang kanina ay nagtungo ito sa Camp Vicente Lim sa Calamba Laguna.

Bilin ni Espina sa mga pulis, pagsilbihan ng mabuti ang mga tao at panatilihin ang disiplina sa sarili.

Sinabi pa nito na sundin ang utos ng mga Regional Director at iwasan ang tukso ng sugal, salapi at katiwalian.

Tags: