METRO MANILA – Inilagay na sa full alert status ang Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa darating na Long Holiday. Ayon kay PNP Officer-In-Charge Police Lieutenant General Archie Gamboa, nangangahulugan itong kanselado na ang lahat ng ‘leave’ ng mga tauhan ng pambansang pulisya.
Aniya, magdedeploy ang PNP ng 35,000 na pulis sa weekend katuwang ang mahigit 99,000 na force multipliers upang masiguro ang seguridad sa mga sementeryo, terminal at iba pang pampublikong lugar.
Sa pagtaya ng pnp, aabot sa labinlimang milyong pilipino ang dadagsa sa mahigit 4,000 pampublikong sementeryo at memorial parks sa bansa sa darating na long holiday.
Nasa mahigit 8,000 pulis naman ang itatalaga ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung saan malaking bilang nito ay idedeploy sa mahigit isang daang sementeryo sa Metro Manila.
(Harlene Delgado | UNTV News)
Tags: long holiday, PNP