PNP, naka-alerto na rin sa posibleng paghahasik ng kaguluhan ng NPA kasabay ng anibersaryo nito bukas

by Radyo La Verdad | March 28, 2016 (Monday) | 1296

LEA_PNP
Nakahanda na ang Philippine National Police sa Masbate sa karahasan na posibleng maitala kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng rebeldeng New People’s Army bukas.

Itinaas na ang full alert status sa PNP Masbate kasunod na rin ng serye ng pagsabog sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan dalawang linggo na ang nakararaan.

Kabilang sa mahigpit na binabantayan ang vital installations sa lalawigan gaya ng telecommunications at electrical towers.

Pinaigting din ang random checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan upang masegurong walang makakapuslit na mga rebelde.

Pinag-iingat rin ng mga pulis ang publiko sa banta ng karahasan at pinayuhang agad isumbong sa mga otoridad ang mga kahina-hinalang bagay, tao o insidente upang agad maaksyunan.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: ,