PNP Nagdagdag ng mga Tauhan sa Davao Del Norte, Davao Del Sur at Compostella Valley

by Radyo La Verdad | May 6, 2019 (Monday) | 11261

Idineploy ngayong araw para seguridad ngayong darating  na National at Local Elections ang nasa 6,800 na tauhan ng AFP at PNP Region 11.

Ang mga ito ay maa-assign sa iba’t ibang bahagi ng Davao Region para tiyaking matiwasay at ligtas ang halalan.

Nagdagdag naman ng pwersa ang PNP sa Davao Del Norte, Davao Del Sur at Compostella Valley dahil sa pagtaas ng election related  incident sa mga nasabing lugar.

“Because sa Compostella Valley ay dun natin nakikita ang citings at sa Davao del Sur gayon din citings din at Davao del Norte naman gayun din, yung election dun dumarami na ang ating concerns sa election dun sa Davao del Norte,” ayon kay Police Colonel Marcelo Morales ang Regional Director ng Police Regional Office 11.

Samantala, mahigit pitong libong mga guro naman ang nakatakdang  idedeploy sa iba’t ibang bahagi ng Davao Region para maging Electoral Board sa rehiyon ngayong halalan.

Sinuguro naman ng DEPED XI na hindi na mahihirapang kumuha ang mga guro sa kanilang Honorarium.

Tags: , ,