PNP, nababahalang madamay sa engkwentro ang 5 estudyanteng sumapi sa Anakbayan

by Erika Endraca | August 9, 2019 (Friday) | 10062

MANILA, Philippines – Nababahala ang pamunuan ng pambansang pulisya na baka sumapi na sa New People’s Army (NPA) ang 5 nawawalang estudyante na umanoy nirecruit ng Anakbayan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde, mamemeligrong matulad ang mga ito sa ibang mga estudyante na napatay sa bakbakan sa pagitan ng militar at NPA.

“Tapos sasabihin na naman nila it’s a human rights violation” ani PNP Chief Police General Oscar Albayalde.

Hinamon ni General Albayalde ang Anakbayan na sagutin ang mga magulang ng mga batang nawawala at ipaliwanag kung nasaan o kung ano na ang nangyari sa kanila.Ayon kay Albayalde, exploitation of minors ang ginagawa ng anakbayan dahil pawang mga menor de edad ang nawawalang mga estudyante.

Pero ayon sa tagapagsalita ng Anakbayan, hindi nawawala ang mga estudyante at sa katunayan ay naglabas na sila ng pahayag.Sa kanyang facebook post, sinabi ng isa sa 5 estudyante na hindi siya nawawala o nakidnap.

Nagpasya umano siyang umalis sa kanila dahil pinipigilan siya ng kanyang mga magulang at higit 1 buwan umano siyang naka house arrest sa kanila.Hindi rin umano siya na brainwashed kundi kusang sumali sa Anakbayan.

Pabor naman si General Albayalde na maglagay ng pulis sa mga eskwelahan para mapigilan ang recruitment ng makakaliwang grupo sa mga pampublikong paaralan. Pero may mga school administrator aniya na tutol.

“This is a government property and yet di pwedeng pasukin ng ating mga law enforcers” ani PNP Chief Police General .

Kahapon (August 8), humarap sa pagdinig ng senado ang magulang ng limang estudyante ng PUP, FEU at UE Manila upang ipahayag ang nangyari sa kanilang mga anak matapos na i-recruit ng anakbayan sa loob ng naturang mga eskwelahan.

(Lea Ylagan | Untv News)

Tags: , ,