METRO MANILA – Inalerto na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng Local Police at Maritime Units sa mga lugar na dadaanan ni Bagyong Ramon.
Ayon kay PNP Officer In Charge Police (OIC) Lieutenant General Archie Gamboa, dapat ay nakahandang umalalay ang mga pulis sa mga Local Government Unit (LGU) kung kakailanganin.
Tiniyak naman ni Gamboa na handa ang mga pulis na rumesponde sa kahit anong emergency disaster or kalamidad upang sumaklolo sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong.
“We are always alerting our forces in the Philippine National Police (PNP) para tulungan ang local government unit who usually spearheads the disaster control and management”ani PNP OIC PLTGen. Archie Gamboa.
(Lea Ylagan | UNTV News)
Tags: PNP Maritime Group