PNP Maritime Group, nagsagawa ng medical & dental mission sa coastal area sa Bacoor City, Cavite

by Radyo La Verdad | February 26, 2018 (Monday) | 4484

Karamihan sa mga naninirahan sa barangay Sineguelasan, Bacoor City, Cavite ay nakatira sa coastal area at karamihan sa kanila ay walang kakayahang makapagpakonsulta sa doktor at makabili ng gamot dahil sa kakapusan.

Pangkaraniwang hanapbuhay nila ay pangingisda na ang kita ay sapat lang sa pang araw-araw na pangangailangan.

Kaya laking tuwa nila nang magsagawa ng medical and dental mission ang Philippine National Police Maritime Group sa kanilang barangay.

Katuwang din ng PNP Maritime Group ang UNTV at Members Church of God International na nagbigay ng libreng eye check-up at free eyeglasses.

Bukod dito, nagkaroon din sila ng libreng gupit sa buhok at namigay din sila ng mga tsinelas.

Sa kabuoan, nasa 343 ang nakapagpakonsulta sa doktor, 146 naman ang nakapagpabunot ng ngipin at 112 ang nabigyan ng salamin sa mata. 101 ang mga nagupitan ng buhok at 500 pares ng tsinelas ang naipamigay sa mga residente.

Ang serbisyo publikong ito ay isinagawa kaugnay ng pagdiriwang ng  ika-27 founding anniversary  ng Philippine National Police Maritime Group.

 

( Randy Forastero / UNTV Correspondent )

Tags: , ,