PNP, itinangging ginawang human shield ng ilang SAF commandos ang mga napatay na mga kasama sa Mamasapano incident

by monaliza | March 24, 2015 (Tuesday) | 2994

IMAGE_MARCH042015_UNTV-News_PNP_CERBO

Hindi naniniwala ang Philippine National Police sa resulta ng imbestigasyon ng MILF na ginawang human shield ng SAF troopers ang kanilang mga kasamahang napaslang sa Mamasapano operations.

Ayon kay PNP PIO Chief P/CSUPT.Generoso Cerbo, walang nakalagay sa BOI report na ginawang human shield ang mga ito base na rin sa tama ng bala ng baril na nakita sa katawan ng SAF commandos.

Sa halip, tama sa ulo na indikasyon na binaril nang malapitan ang lumabas sa pagsusuri ng medico legal ng Camp Crame.

Sinabi pa nito na sa doktrina ng pakikipagsagupa ng mga pulis, hindi itinuturo na gawing pananggalang ang kasamahan upang makaligtas .

Sa halip tinuturuan ang mga itong igalang ang isa’t isa at magtulungan para sa kaligtasan ng bawat isa. ( Lea Ylagan / UNTV News Senior Correspondent)

Tags: , ,