PNP Internal Affairs Service, iniimbestigahan na ang mga insidente ng pagkamatay ng mga suspect sa drug operations

by Radyo La Verdad | June 29, 2016 (Wednesday) | 1121

Atty.-Shella-Castillo
Patuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police Internal Affairs Service sa mga insidente ng pagkamatay ng mga suspek sa mga drug operation ng PNP.

Ayon kay IAS Spokesperson Atty. Shella Castillo, moto propio nila ang magsagawa ng imbestigasyon kapag may namamatay kahit na walang nagpa-file ng complaint.

Sinabi pa nito na tumatagal ng minimum na dalawang linggo ang imbestigasyon nila sa isang kaso na hindi gaanong kumplikado.

At kapag may nakita silang violation sa panig ng mga ororidad ay nagsasampa sila ng kaso.

(Lea Ylagan/UNTV Radio)

Tags: ,