PNP, inilunsad ang Malasakit Center para sa mga Pulis at Dependent

by Radyo La Verdad | October 27, 2021 (Wednesday) | 628

Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) nitong lunes (October 25) ang Malasakit Center na nasa loob ng National Headquarters sa Camp Crame na nag aalok ng accessible frontline services at tulong sa mga miyembro ng mga pulis at ng kanilang dependents.

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief General. Guillermo Eleazar kasama si Senator Christopher “Bong Go” ang Ceremonial launch na mag sisilbing one stop shop ng uniformed at civilian personnel at kanilang dependents at ibang kliyente ng PNP General Hospital na nangangailangan ng financial at tulong medikal mula sa Department of Health (DOH) , Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ibang ahensya ng gobyerno.

Pinasalamatan ni Eleazar si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Senator Go sa walang sawang suporta sa ahensya at pagbibigay prayoridad sa mga pulis at kanilang dependents.

Ibinigay din ng Office of the President (OP) sa nasabing aktibidad ang Financial Assistance na nagkakahalaga ng P10-M sa PNP General Hospital.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)