PNP, ikinabahala ang pagtaas ng hijack profile scam cases sa PH

by Radyo La Verdad | March 13, 2024 (Wednesday) | 6476

METRO MANILA – Binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko matapos maalarma sa pagtaas ng hijack profile scam o identity theft.sa bansa.

Ayon sa pulisya hindi dapat basta ibinibigay ang mga personal na impormasyon lalo na sa online.

Sakali aniyang na hijack ang inyong account, agad itong ireport sa platform o service provider.

Mag-report din sa mga otoridad para maiwasan ang posibleng legal liabilities sakaling gamitin ng scammer sa panloloko ang inyong account.

Tags: ,