PNP- HPG maglalagay ng express lane sa Edsa ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | November 30, 2015 (Monday) | 1119

LEA_ROVING
Muling ilalagay ng PNP Highway Patrol Group ang mga orange barrier na ginamit sa APEC Summit sa innermost lane ng Edsa Southbound upang magsilbing christmas express lane.

Ayon kay HPG Spokesperson P/Supt. Grace Tamayo, layon nito na mapabilis ang biyahe ng mga motorista mula Shaw Blvd hanggang Pasay.

Sinabi pa ni Tamayo na kung may orange barrier sa Edsa Southbound, yellow barricade naman ang ilalagay sa Northbound ng Edsa at iba pang daanan malapit sa mga mall upang manatili ang mga pampasaherong bus sa yellow lane.

Dagdag pa ng opisyal, 250 tauhan nila ang magkakaroon ng shifting upang halinhinang magmamando sa edsa upang maiwasan ang matinding traffic lalo na sa tapat ng mga mall.

Kinausap na rin nila ang mga mall owner na ayusin ang sistema sa kanilang mga parking area upang maiwasang humaba ang pila ng mga sasakyan na nakaaapekto sa Edsa.

Ang bagong traffic scheme ng Highway Patrol Group para sa holiday season ay uumpisahan ngayong 1st week ng Disyembre at magtatagal hanggang sa unang linggo ng Enero.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,