PNP-HPG, balik sa pagmamando ng trapiko sa EDSA-Balintawak

by Radyo La Verdad | January 5, 2017 (Thursday) | 1455

HPG
Balik pagmamando na sa trapiko sa EDSA ang PNP-Highway Patrol Group ngayong araw.

Ngunit sa EDSA-Balintawak lamang ide-deploy ang mga tauhan ng HPG.

Bukod sa pagpapatupad ng mga panuntunan sa trapiko, mahigpit rin nitong babantayan ang mga illegal vendors sa lugar upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko.

Dalawang shifts naman ang ipinatutupad ng HPG; mula ala singko ng madaling aaw hanggang alas dos ng hapon at alas dos ng hapon hanggang alas onse ng gabi.

Magugunitang noong Nobyembre, tinanggal ang HPG sa EDSA upang pagtuunan ng pansin ang problema sa trapiko sa mga kalsada patungo sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport, Commonwealth Avenue at C5.

Tags: , ,