PNP Chief P.Dir. Gen. Ricardo Marquez at ilang pang na-promote na opisyal ng PNP, nanumpa kay Pang. Aquino

by Radyo La Verdad | August 12, 2015 (Wednesday) | 972

OATH MARQUEZ
Apatnaput siyam na Star Rank Officials ng Philippine National Police ang nanumpa sa tungkulin kaninang umaga sa Malacanang.

Kabilang dito ang bagong itinalagang hepe ng PNP na si Police Director General Ricardo Marquez.

Kasama ring nanumpa sina Police Deputy Director General Danilo Constantino, PNP-Special Action Force Police Director Moro Virgilio Lazo, Spokesperson ng PNP na si Police Chief Superintendent Wilben Mayor at ang dating OIC ng SAF na si Police chief Superintendent Noli Talino.

Kasama ring dumalo sa panunumpa ngayong umaga ang mga pamilya ng mga promoted official ng PNP.(Nel Maribojoc/ UNTV News)

Tags: