PNP Chief Gen. Eleazar, ipinag-utos ang mas maigting na pagpapatrolya sa mga lansangan

by Radyo La Verdad | November 3, 2021 (Wednesday) | 3613

METRO MANILA – Nagbigay direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar
sa mga otoridad na paigtingin ang pagpapatrolya sa mga lansangan lalo na ngayong holiday season.

Kasunod ito ng nangyaring insidente na pang-i-snatch sa isang SK Chairman sa kahabaan ng
Magsaysay Boulevard and Lacson Avenue sa Barangay 420, Manila noong Huwebes (October 28).

Samantala, nasa kostodiya na ng puslisya ang mga kawatan at pinuri ng Heneral ang mabilis na aksiyon ng mga pulis upang mahuli ang dalawang suspek.

Nagpaalala rin siya sa publiko na mag-ingat at maging handa sa tuwing lumalabas ng bahay.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: