PNP Chief AT DILG Sec. Sueno, nanguna sa paggunita sa mga pulis na nasawi habang gumaganap ng serbisyo

by Radyo La Verdad | February 6, 2017 (Monday) | 971


Kasabay ng pagdiriwang ngayon ng 26th Foundation Day ng Philippine National Police, pinangunahan ni Chief PNP Director General Ronald Dela Rosa at DILG Sec. Mile sueno ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng mga bayani.

Ito ay bilang pagkilala sa kabayanihan ng nga pulis na nasawi habang gumaganap ng kanilang tungkulin.

Kinilala at pinasalamatan ng Chief PNP ang mga pulis na nananatiling tapat sa kanilang tungkulin sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap ng pambansang pulisya.

Ayon kay General Bato, mayroon mang mga tiwaling pulis sa kanilang hanay mas marami parin ang tapat sa kanilang serbisyo.

Ipinangako naman ng hepe ng Pambansang Pulisya na ipakukulong ang mga pulis na mapapatunayang sangkot sa katiwalian bilang bahagi ng kanilang isinasagawang internal cleasing.

Tags: ,